MWSS, pinasuspinde sa Maynilad at Manila Water

MWSS, pinasuspinde sa Maynilad at Manila Water

PINASUSPINDE ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) ang lahat ng kanilang service disconnection activities sa mga lugar na nasa alert level 5 o granular lockdown.

Ito ay sa gitna ng pagpapatupad ng alert levels system at granular lockdown sa piling lugar sa National Capital Region (NCR) simula ngayong araw.

Inatasan din ng MWSS ang dalawang water concessionaire na tiyakin ang availability ng water supply sa kani-kanilang service areas.

Para naman sa mga nasa alert level 4 pababa, pinayuhan ng MWSS ang mga customer ng Maynilad at Manila Water na bayaran na ang kanilang water bill o tawagan ang service provider para sa flexible payment terms.

 

SMNI NEWS