INIHAYAG ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang mga fully vaccinated individuals lamang ang pwedeng kumain sa loob ng restaurant.
Kinakailangang ipresinta ang vaccination card para payagan sa dine-in ang mga costumers, ito ay sa pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa alert level 4 simula bukas.
Kaya naman, sinabi ni Secretary Puyat na dapat magdala ng vaccination card bilang patunay.
Kaugnay nito, 10% lamang ng kapasidad ng mga restaurant ang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa dine-in operations habang 30% naman para sa al fresco o outdoor dining.
Samantala, papayagan ang mga hindi pa bakunado sa al fresco dining.
Una nang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na lampas 60% na ang fully vaccinated sa NCR.