Naglabas ng opisyal na pahayag si Gov. Garcia at maghahain ng Motion for Clarification kontra sa kautusan ng Ombudsman

Naglabas ng opisyal na pahayag si Gov. Garcia at maghahain ng Motion for Clarification kontra sa kautusan ng Ombudsman

Cebu City, Pilipinas – Naglabas ng opisyal na pahayag si Governor Gwendolyn Garcia ng Cebu kasunod ng ipinalabas na six-month preventive suspension order mula sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa gobernadora, nakatakdang maghain ng Motion for Clarification ang kanyang legal team sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang kuwestyunin ang pagpapatupad ng nasabing suspensyon. Iginiit ni Garcia na ito ay labag sa Omnibus Election Code, na hindi umano pinahihintulutan ang pagpataw ng suspensyon sa mga halal na opisyal habang papalapit ang eleksyon.

Matatandaang inakusahan si Garcia ng Grave Abuse of Authority, Gross Misconduct, Serious Dishonesty, at iba pang paglabag sa ilalim ng RA 6713, matapos umanong magbigay ng special permit sa isang construction company nang walang sapat na legal na basehan.

Nanindigan si Garcia na ang kanyang mga hakbang ay bahagi ng kanyang mandato bilang gobernador at hindi dapat gamiting batayan sa kanyang suspensyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble