Motorcade sa Toril, Davao City inilunsad bilang bahagi ng “Ayusin Natin ang Pilipinas” Campaign Rally

Motorcade sa Toril, Davao City inilunsad bilang bahagi ng “Ayusin Natin ang Pilipinas” Campaign Rally

Davao City, Pilipinas – Isinagawa ngayong umaga ang isang motorcade sa Barangay Binugao, Toril bilang bahagi ng nagpapatuloy na “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally ng PDP-Laban at ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Mainit ang pagtanggap ng mga residente sa aktibidad, kung saan kapansin-pansin ang malawak na suporta sa adhikain ng kampanya—ang maitaguyod ang kaayusan, kaunlaran, at pagbabago sa pamahalaan at sa buong bansa.

Ang naturang kampanya ay layong ipalaganap ang plataporma ng PDP-Laban at ni Pastor Quiboloy, na nakatuon sa reporma sa pamahalaan, pagpapatibay ng serbisyo publiko, at pagsulong ng kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Ayon sa mga organizer, magpapatuloy pa ang serye ng mga aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga darating na araw, upang mas mailapit sa taumbayan ang mga layunin ng kampanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble