Naitalang krimen sa unang 3 buwan ng 2023, bumaba—PNP

Naitalang krimen sa unang 3 buwan ng 2023, bumaba—PNP

BUMABA ng 16.11 percent ang naitalang krimen sa bansa sa unang tatlong buwan.

Batay ito sa peace and order indicator (POI) ng chief Police General Rodolfo Azurin Jr. (PNP) mula Enero 1 hanggang Marso 25, 2023.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., mula sa 9,375 na krimen na naitala sa kaparehong panahon noong 2022, bumaba ito sa 7,865 ngayong 2023.

Ang POI ay binubuo ng index crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at vehicle theft.

Gayundin ng non-index crimes tulad ng mga paglabag sa local ordinances at mga aksidente sa kalsada.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter