Namayapang Pinoy basketball legend Samboy “Skywalker” Lim, binigyang-pugay ng PBA

Namayapang Pinoy basketball legend Samboy “Skywalker” Lim, binigyang-pugay ng PBA

BINIGYANG-pugay ng PBA sa halftime ng laro ng San Miguel Beermen at Phoenix Super LPG nitong Disyembre 25 ang namayapang si Avelino “Samboy” Lim Jr. o mas kilala bilang “Skywalker”.

Sa ibinahaging kuwento ng basketbolistang si Terrence Romeo, hindi niya man naabutan si “Skywalker” subalit marami siyang nalalamang kuwento hinggil sa playing style nito mula sa kaniyang ama.

Kay Junemar Fajardo naman, sinabi nito na napakalaki ang legasiya na iniwan ni Samboy sa buong Philippine Basketball Association (PBA).

Samantala, para sa beteranong sports analyst at commentator na si Andy Jao, bagay na bagay si “Skywalker” na mapabilang sa 25 greatest players ng PBA.

Pumanaw ang Pinoy basketball legend na si “Skywalker” noong Disyembre 23 sa edad na 61 taong gulang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble