Nationwide Gun Ban, mag uumpisa na sa darating na January 12, 2025

Nationwide Gun Ban, mag uumpisa na sa darating na January 12, 2025

NAGPAALALA ang Pambansang Pulisya sa publiko kaugnay sa pagsisimula ng election period sa darating na January 12, 2025.

Hudyat rin ito ng opisyal na pagsisimula ng Nationwide Gun Ban o pagbabawal ng pagdadala ng mga armas tulad ng baril, pampasabog o anumang nakamamatay na sandata.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo, bahagi ito ng paghahanda ng Pulisya na maiwasan ang mga insidente ng loose firearms na kadalasay nagagamit partikular na sa mga lugar na may matinding political rivalries.

Sa ngayon wala pang namomonitor na malaking banta sa seguridad ng publiko kaugnay sa nalalapit na MidTerm Elections sa Mayo.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10466, mga aktibong miyembro ng pulis, militar lamang na may mga kaukulang lisensiya ang maaring magkarga ng aramas tuwing eleksiyon.

Pero maaaring mag-apply para sa gun ban exemption ang ilan gaya ng mga security guard at mga bodyguard.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble