NASA 12,168 ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa pagdaraos ng taunang Traslacion sa Maynila.
Titiyakin ng nasabing bilang ang seguridad ng publiko mula sa simula ng prusisyon hanggang sa pagtatapos ng aktibidad.
Inaasahan kasi ang dagsa ng maraming deboto ng itim na Nazareno ngayong taon.
Matatandaang naitala ang mahigit 6 milyong deboto ang lumahok sa prusisyon habang parehong bilang rin ang inaasahang dadalo ngayong taong 2025.
Bukod sa PNP magiging katuwang rin nito ang iba pang security sector mula sa AFP, PCG, BFP kasama rin ang DOH at Red Cross para sa pangangailangang medikal ng mga kalahok.