NPA, tinawag ni VP Sara na salot sa lipunan

NPA, tinawag ni VP Sara na salot sa lipunan

PALAKASIN pa ang pagtugon laban sa insurhensiya at mga rebelde.

Paalala ito ni Vice President Sara Duterte matapos mamatay ang tatlong sundalo ng Philippine Army sa isang engkuwentro noong Agosto 12, 2025 laban sa New People’s Army (NPA) sa Baco, Oriental Mindoro.

Binigyang-diin ng Pangalawang Pangulo na ang pagkasawi ng mga sundalo sa kamay ng mga NPA ay palatandaan ng panganib ng insurhensiya.

Kasabay nito ay kinondena ni VP Sara ang NPA at tinawag ito bilang salot ng lipunan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble