NTF-ELCAC, kinontra ang Human Rights Defenders Protection Bill

NTF-ELCAC, kinontra ang Human Rights Defenders Protection Bill

KINONTRA ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagpasa ng House Bill No. 77 o Human Rights Defenders Protection Bill.

Sa pahayag ng NTF-ELCAC, mawawalan ng ngipin ang mga batas kontra terorismo tulad ng Anti-Terrorism Act, Anti-Money Laundering Law, at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act dahil sa nasabing panukala.

Lubha rin aniya itong mapanganib para sa demokrasya ng bansa.

Maliban dito, maituturing na pagsaklaw sa iginawad na kapangyarihan ng 1987 Constitution sa Commission on Human Rights (CHR) ang paglikha ng Human Rights Defenders Protection Committee na binubuo ng mga kaalyado ng makakaliwang grupo.

Hinimok naman ng NTF-ELCAC ang publiko na kalampagin ang kanilang mambabatas upang hindi matuloy ang pagpasa sa panukala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter