INIHAYAG ng Office of Solicitor General (OSG) na maaring bago o sa October 11 nila maihahain motion for partial reconsideration sa naging desisyon ng Korte Suprema sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) Law.
Ito ay matapos matanggap ng opisina ang apela ng COMELEC para sa paghahain ng motion for partial reconsideration.
Matatandaang idineklara ng Supreme Court (SC) na labag sa Saligang Batas ang pagpostpone ng BSKE noong Desyembre 5, 2022 at ang pagtatakda nito sa huling Lunes nang Oktubre ng kasalukuyang taon.
Sinabi rin ng SC na ang susunod na BSKE ay dapat idaos sa unang araw ng Lunes ng Desyembre 2025.
Ayon sa COMELEC, iaapela nila ang naturang probisyon dahil dapat anito respetuhin ang three year term of office ng mga BSKE Officials.
Sinabi rin ng komisyon na mahirap para sa kanila ang pagdaraos ng BSKE sa 2025 kasabay ng Midterm Elections.
