P1-M na nalikom sa fundraising campaign, naibigay na ni Isabelle Daza kay Nanay Elvie Vergara

P1-M na nalikom sa fundraising campaign, naibigay na ni Isabelle Daza kay Nanay Elvie Vergara

NAGKITA na si Isabelle Daza at Nanay Elvie Vergara, ang nabulag na house helper sa Occidental Mindoro dahil sa pang-aabuso ng amo nito sa loob ng tatlong taon.

Mismong si Isabelle ang nagbahagi sa kanilang pagkikita kasabay ang pag-abot na rin ng P1-M mula sa pinangunahan niyang fund raising campaign.

Maaaring gamitin ang nalikom na pera para sa medical needs ni Nanay Elvie ayon kay Isabelle.

Kabilang sa nakiisa at nagpaabot ng tulong sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Liz Uy, Iza Calzado, at Alex Gonzaga.

Pinuri naman ng maraming kapwa celebrity si Isabelle dahil sa inisyatibong ito at itinuring siyang “totoong influencer”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble