Anne Curtis, handang-handa na sa bagong action series

Anne Curtis, handang-handa na sa bagong action series

HANDANG-handa na ang TV host-actress na si Anne Curtis sa gagawing action series ngayong taon.

Sumabak ang aktres sa boot camp training ng 201st Infantry Kabalikat Brigade sa Quezon Province kasama ang co-actor nito na si Gerald Anderson.

Sisimulan na sana sa Setyembre 25 ang action series na ito ni Anne, ngunit napagdesisyunan ng Reality MM Studios executives na gawin ito sa susunod na buwan.

Ang action series na ito ni Anne ay ididirek ng premyadong direktor na si Erik Matti.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang producer ng pelikula kung ano ang magiging title ng proyekto nina Anne at Gerald.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble