P25-M halaga ng smuggled medical drugs, nasabat ng BOC

P25-M halaga ng smuggled medical drugs, nasabat ng BOC

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P25 milyong halaga ng smuggled medical drugs sa Pasay City.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na iba’t ibang mga German medicines ang mga nakumpiskang gamot.

Kabilang sa mga nakumpiska ay cactus compositum na gamot sa coronary circulatory disorder at testis compositum na isang sexual enhancement.

Nadiskubre din ng BOC ang mga gamot para sa liver diseases at cholesterol levels.

Nabatid na walang kaukulang import permits ang mga nakumpiskang gamot.

Hindi naman tinukoy ng BOC kung sino ang consignee ng mga gamot.

BASAHIN: 50-M halaga ng ‘misdeclared’ na sigarilyo, winasak ng BOC-CDO

SMNI NEWS