DALAWANG suspek ang arestado sa P54.5 milyong halaga ng shabu na nasakote ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operations ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District sa Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Marisa Asi Y Omar, 34 anyos at Muslimin Kamid Y Taudil, 32 anyos pawang mga residente ng Brgy. Maharlika, Taguig City.
Narekober mula sa mga suspek ang five heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na may timbang ng mahigit kumulang 25 gramo na may estimated value na ₱170,000.00.
Kabilang sa nakumpiska ang walo pang plastic pack na may foreign writings na naglalaman ng pinaghihinalaan shabu na may timbang na walong kilo.
Ayon sa mga otoridad, nagkakahalaga ito ng ₱54,400,000.00, at 34 piraso ng P1000.
Agad na dinala sa SPD DDEU Office ang mga suspek para sa karagdagang impormasyon at dokumentasyon sa mga nakuha na droga.
Paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Art II of RA 9165 ang isinampa sa mga suspek.
Matapang na paalala ngayon ng SPD Director PBgen Jamilili Macaraeg sa mga suspek sa nagbabalak pang maghasik ng iligal na droga sa Kamaynilaan, wala aniyang lugar ang mga ito sa ilalim ng pinaigting na operasyon ng kanilang grupo kontra illegal drugs.
“May this result of operation deliver a stern warning to those who continue doing illegal drug transactions in our AOR, wala kayong lugar sa Taguig o saan mang parte ng Southern Metro, mahuhuli at mahuhuli namin kayo,” ayon kay Macaraeg.
Samantala, apat na iba pang suspek ang natimbog din sa Salinas St., Brgy. Longos, Malabon City na nagresulta ng pagkakaaresto kina Prea Enate y Beso; Lyndon Regino y Eanda aka Dodong; Mark Carlo Fortes aka Comar; aT Jarwin Gamalog y Eduarte aka Aweng.
Nakuha naman sa mga suspek ang apat na piraso ng nakabalot na mga tuyong dahon ng marijuana, tatlong medium size at limang maliliit na piraso ng kaparehong droga.
May kabuuang timbang ang mga nasabing marijuana ng 4.8 kilo at nagkahalaga ng kabuuang P576,000.00.
Kasabay ng pagbibigay papuri sa mga operatiba ay ang panawagan sa komunidad sa pagpapatuloy ng kooperasyon nito sa mga pulis sa mas mabilis na pagkakahuli ng mga personalidad na pawang mga sangkot sa iligal na droga at mga kahalintulad na mga aktibidad.
“Team NCRPO enhances its battle against the proliferation of illegal drugs in the Metro. We are proud of the team’s continuous efforts agaibsr the schemes being implemented in arresting drug personalities and confiscation of illegal drugs. We appeal to the public to help us, cooperate with us and report any similar activities,” pahayag ni NCRPO Chief PMaj. Gen. Vicente Danao Jr.