Pacquiao, hindi sang-ayon sa mababang taripa para sa mga imported na mais

Pacquiao, hindi sang-ayon sa mababang taripa para sa mga imported na mais

HINDI sang-ayon si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao sa pagkakaroon ng mababang taripa para sa mga imported na mais.

Saad pa ni Pacquiao, dapat ding pataasan ng gobyerno ang minimum quota para sa mga imported na mais.

Ito ang naging paninindigan ni Pacquiao sa panukalang gawing 5% mula sa 35% ang in-quota imports at 15% naman para sa out-quota imports.

Aniya, magdudusa ang mga magsasaka ng bansa kung patuloy na papasok ang mga mura at imported na produktong pang-agrikultura.

Follow SMNI NEWS in Twitter