INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Mico Clavano na maaring si Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. ang nasa likod ng pagbaliktad ng mga suspek sa Degamo case.
Pagkatapos ang umano’y sunud-sunod na pagbaliktad ng salaysay ng mga suspek sa Degamo case, ang DOJ hindi mapigilang magsentemiyento.
Ano anila ang nangyari at bigla na lamang silang bumaliktad.
Hinala ni Atty. Clavano, pakana ni Cong. Arnie Teves ang recantation ng mga suspek.
Isyu ng torture sa mga suspek, iimbestigahan ng DOJ
Ang Teves camp, pinagsabihan ang DOJ na imbestigahan ang umano’y torture na ginawa sa mga suspek para lang ikanta si Teves bilang utak sa pamamaslang kay Negros Oriental Roel Degamo.
Maliban dito, naging issue ang pagkakaroon ng sariling abogado ng mga suspek.
Ayon sa kampo ni Teves, karapatan ng mga suspek na pumili ng abogadong magtatanggol sa kanila.
DOJ, nilinaw na hindi minamasama ang pagkuha ng mga suspek ng sariling abogado
Si Clavano, nilinaw rin ang stand ng DOJ dito.
Plano ng DOJ na ilipat sa Philippine National Police (PNP) custodial facility ang 11 suspek para mapag-ingatan ito.
Mapanganib umano na magtagal pa sa National Bureau of Investigation (NBI) lalo na mayroong dating opisyal ng DOJ ang pamilyar sa pasilidad at interesado sa mga suspek.