IPAUUBAYA na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa susunod na administrasyon ang pagbili ng anim na offshore patrol vessels (OPV) para sa Philippine Navy.
Ayon kay Lorenzana, magmumukhang midnight deal kung siya pa ang pipirma ng kontrata.
Paliwanag ni Lorenzana, ginawa rin nila ito noon sa pagbili ng dalawang frigates ng Philippine Navy.
Nagsilbi anyang leg work ang proyekto ng administrasyong Aquino at admininistrayong Duterte ang nagsapinal ng kontrata.
Samantala, maaaring maisapinal ang negosyo sa bagong supplier ng barko sa loob ng nalalabing dalawang buwan ng administrasyon.