NANINDIGAN si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na walang jurisdiction ang International Criminal Court (ICC) na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y extrajudicial killing sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
‘’Kaya para sa aking palagay sinasabi ko na ito ay pagsalakay sa ating kasarinlan soberentiya sapagkat pinipilit nila kahit wala naman silang jurisdiction eh, sa tingin ko gusto lang talaga nila siraan si dating Presidente Duterte sa kaniyang matagumpay na deklarasyon at pagpapatupad ng digmaan laban sa droga at siraan siya internationally,’’ ayon kay Atty. Panelo.
Ito ang binigyang diin ni Atty. Panelo sa kaniyang programa sa SMNI na ‘’Problema niyo, Itawag kay Panelo’’.
Muling ipinaliwanag ni Atty. Panelo ang dahilan kung bakit hindi maaring magkaroon ng jurisdiction ang ICC sa Pilipinas.
‘’Mula sa pool ang posisyon ni Pangulong Duterte diyan, walang jurisdiction ang International Criminal Court sapagkat sa ngayon sa kaniya, yun pong Rome Statute na lumikha ng International Criminal Court, hindi po nailathala sa ating official gazette o isang newspaper of general circulation at yun po ay labag sa itinatadhana sa new seal code na sinasabi na kung ang isang batas kung ipatutupad, kinakailangan mong lumabas diyan sa official gazette at yun naman po ay batay sa Saligang Batas na nagsasabi na lahat ng taong akusado ng isang krimen ay kailangan pong bigyan ng tinatawag na due process of law na ang ibig lang sabihin, bago mo huhusgahan ang isang taong akusado ay kailangan bigyan mo siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang kaniyang sarili kailangan mayroong hearing bago natin siya ikondena. Because of that sinasabi ho doon na lahat ng mga akusado, kailangan ipaalam mo bakit mo siya inaakusahan at bigyan mo siya ng karapatan na magkaroon ng abogado niya, magkaroon ng malayang pagdinig ang publiko at bigyan mo siya ng pagkakataon na ipagtanggol,’’ saad nito.
Ang Rome Statute ay isang penal law at obligasyon ng bawat estado na ipatupad ang criminal jurisdiction nito sa sinomang lumabag ng international crimes.
Maaari lamang pumasok ang ICC kung ang estado ay wala nang kakayahan o ayaw nitong magsagawa ng imbestigasyon upang iprosecute ang mga lumabag sa batas.
Binigyang-diin naman ni Atty. Panelo na malusog ang justice system ng Pilipinas.
‘’Eh alam naman nating lahat na talagang malusog ang ating judicial system, talagang pinapatupad natin, katunayan sinasabi ko nga sa column ko dapat yang International Criminal Court of justice ay magkaroon ng judicial note of notice na ang kalakasan at katabaan at kalusugan ng ating judicial system dalawang presidente ang pinakulong natin o ano pa ba ang pruweba ang gusto ninyo na meron tayong malusog na sistema,’’ ani Panelo.
Dagdag ng dating Chief Presidential Legal Counsel na dahil pinipilit ng ICC pumasok sa Pilipinas dahil may treaty umano ang Pilipinas kahit pa sinabi na ng gobyerno ng Pilipinas na wala silang jurisdiction.
Kaya ito ang naging dahilan upang ipanukala niya kay dating Pangulong Duterte na magwithdraw na lang sa ICC.
Sinalungat naman ni Atty. Panelo ang pahayag ng ICC, na batay sa batas ng Rome Statute, na kapag nakapag-imbestiga na ang ICC bago pa ang effectivity ng withdrawal ng Pilipinas ay obligado pa rin ang gobyerno na mag-cooperate sa imbestigasyon.
‘’Initially, huh, meron bang ganun so pinag-aralan ko na naman aba nambobola, totoong merong ganoong provision pero nag-imbestiga ba sila? Ang ginagawa nila ay preliminary examination, iba po yung formal investigation ,yung iniimbestigahan ko on the basis of the complaint as against the preliminary examination kasi sa preliminary examination and denetermina dun whether or not yung bansang nirereklamo ay pumapasok dun sa principle of complimentarity, meaning kung yung bansang nirereklamo ay may kakayahan o wala, yun ho ang iniimbestigahan nila hindi yung reklamo mismo kung baga they have not determined yet whether or not na meron ngayon, ngayon pa lang sila nagdetermine so hindi po papasok yung provision na dapat magcooperate tayo dahil effective na ang formal withdrawal natin saka pa lang kami magiibestiga,’’ dagdag nito.
Ipinunto rin ni Atty. Panelo ang isang maling hakbang na ginawa ng gobyerno na siyang dahilan para muling buksan ng ICC ang imbestigasyon kaugnay sa drug war ng Duterte administration.
Ito ang hilingin ng gobyerno na isuspendi ang imbestigasyon.
‘’Sabi ko it was a mistake, mali po ang ginawa ng pamahalaan na nagrequest tayo ng deferment ng imbestigasyon kasi nga that is in opposition or labag or at war with the position that it has no jurisdiction, kung walang jurisdiction bakit ka makikiusap na isuspendi mo..kaya ang sinasabi ko na mali yun na nakikiusap pa tayo,’’ paliwanag nito.
Samantala, nanindigan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi welcome sa Pilipinas ang ICC maliban na lamang kung makatitiyak itong rerespetuhin ang soberenya ng Pilipinas.
‘’I do not welcome this move of theirs and I will not welcome them in the Philippines unless they make clear that they will respect us in this regard. I will not stand for any of these antics that will tend to question our sovereignty and our status as a soveregn country, we will not accept us,’’ saad ni Remulla.
Gayunpaman, nanawagan naman si Atty. Panelo sa gobyerno ang kahalagahan ng pamahalaan na maging consistent sa posisyon nito.
‘’At ito namang ating gobyerno eh sanay manatili ang kanilang posisyon where it adopted the position of the previous administration that ICC has no jurisdiction. It has never acquired jurisdiction and assuming it did, it has already removed by it by its formal withdrawal of the membership of the ICC,’’ ani Panelo.
Samantala, hindi naman apektado si dating Pangulong Duterte sa panibagong hakbang ng ICC na inilahad ng kaniyang dating chief presidential legal counsel.
‘’Walang jurisdiction yang mga yan mula sa pool at kapag ipinilit niyo yan wala akong pakialam sa kanila, they can do their worse, they can do its worst but I unmoved by it hindi ako maapektuhan niyan,’’ saad nito.
Dagdag pa ni Panelo, muling binigyang-diin ni dating Pangulong Duterte na kung sasailalim man ito sa anumang prosekusyon, ito ay sa ilalim ng isang Pilipinong taga-usig sa hukuman sa Pilipinas.
‘’Kung sabi niya, direct quote po ito, “Kung ako ay may kasalanan anuman ang kasalanan ko laban sa humanity, ako po ay nakalaang humarap pero dapat isang Pilipinong taga-usig ang uusig sa akin at isang hukuman na presided by a Filipino judge at kung ako po ay mapatunayan na may kasalanan I’m going to serve sa isang Philippine prison diyan sa Muntinlupa, kung gusto niyo diyan ako magsisilbi kung ako ay mapapatunayan,’’ ayon kay Panelo.