Atty. Salvador Panelo, nagkamit ng Lifetime Achievement Award sa Gawad Amerika 2022

Atty. Salvador Panelo, nagkamit ng Lifetime Achievement Award sa Gawad Amerika 2022

KINILALA ng Gawad Amerika ngayong taon si dating Presidential Spokesperson at SMNI TV Anchor Atty. Salvador Panelo bilang isa sa katangi-tanging public servant sa bansa.

Isang Lifetime Achievement Award ang ginawad kay Atty. Panelo at ang kasalukuyang anchor ng programang Itawag Mo Kay Panelo sa katatapos lang na Gawad Amerika Awards na ginanap sa Hollywood Center, California.

Ang kanyang programa sa SMNI na ‘Itawag Mo Kay Panelo’ ay tinatangkilik ng mga manonood na layong magbigay solusyon sa mga problema na may kinalaman sa batas, mapa-politika man o ordinaryong isyu ng mamamayan, lalo na sa mga OFWs at mga kababayan na nasa labas ng Pilipinas.

Sa kahanga-hanga niyang programa, buong pagpapakumbaba naman nitong ibinigay ang puri sa SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy na siya umanong naglunsad ng programang ito para sa masa.

Sa lahat ng ingay sa ere lalo na sa pamamahayag, hinikayat ni Atty. Panelo ang ating mga kababayan na maging mas matalino sa pagkilatis ng maling impormasyon.

Bago umuwi sa Pilipinas, buong galak niya ring binisita ang KJC Headquarters sa Van Nuys, California at malugod na nakipagdaupang palad sa mga manggagawa at miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ.

Follow SMNI NEWS in Twitter