Kinuwestyon ng legal team ang Pagkansela sa lisensya ng mga baril ni Senator Ronald dela Rosa
Pinalagan ng kampo ni Sen. Bato ang naging desisyon ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) na kanselahin ang mahigit 100 firearms lisensya ng senador.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Israelito Torreon na maling probisyon ng Republic Act 10591 ang ginamit ng PNP bilang basehan sa pagkansela ng lisensya.
‘’The PNP-FEO cited Section 4(g) of R.A. 10591 as the ground for cancelling Senator Dela Rosa’s 118 firearms licenses. There is one problem. Section 4(g) is not a revocation ground,’’ ayon kay Atty. Israelito Torreon, Abogado ni Sen. Bato Dela Rosa.
Paliwanag ni Torreon, ang Section 4 ng batas ay tumutukoy lamang sa qualifications o requirements sa pagkuha ng firearms license at hindi sa pagbawi nito.
Aniya, malinaw na nakasaad sa Section 39 ng batas ang mga grounds para sa revocation ng lisensya.
Dagdag pa niya, kabilang sa mga nakasaad dito ang conviction sa isang kaso o court order mula sa mga korte sa Pilipinas.
‘’Section 39 has ten grounds. Pending criminal case before any court? Not one of them. The only criminal-law grounds are: conviction under Section 39(b), and a court order under Section 39(j),’’ saad ni Atty. Israelito Torreon.
Giit pa ng abogado, walang conviction si Senator dela Rosa at wala ring inilalabas na kautusan ang anumang korte sa Pilipinas laban sa mambabatas.
‘’Senator Dela Rosa has been convicted of nothing. No Philippine court has issued any order against him,’’ ani Atty. Israelito Torreon.
Binatikos din ni Torreon ang naging paliwanag ng NBI na maaari nang ituring na legal na korte ang ICC dahil kinikilala ng Pilipinas ang ilang international laws.
‘’The ICC was not established by Philippine law. Its judges are not appointed under our Constitution. It is not a ‘court of law’ under R.A. 10591,’’ aniya.
Dagdag pa ni Torreon, nakakaalarma na tinuturing si Sen. Bato na armado at delikado habang inaalisan naman siya ng legal na pahintulot na magdala ng baril.
‘’The sequence is: strip the license, deploy 225,000 officers, classify as armed and dangerous, authorize lethal force,’’ saad ni Torreon.
Ayon pa kay Torreon, sa halip na hintayin ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ay tila kumikilos na agad ang pamahalaan.
Giit niya, hindi na lamang ito ordinaryong law enforcement operation kundi maaari na rin maging usaping konstitusyonal.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na panibagong pahayag ang PNP kaugnay sa mga alegasyong ito ng kampo ni Senator Bato.
