INSPIRASYON ng mga Komadrona ang pagmamaliit sa kanila kaya isinusulong nito na mabuo ang Komadrona Party-list.
Takbuhan ng mga kababayan sa mga liblib na lugar ang Midwife o Komadrona.
Ang problema nga lang ay kung pag-uusapan ang kapakanan ng healthcare workers, hindi kasama ang hanay nila.
Sa panayam ng SMNI news kay dating Senador at ang Komadrona Party-list first nominee Atty. Joey Lina, ito ang dahilan kung bakit nabuo ang kanilang grupo.
Ani Lina, nagmimistulang minamaliit kasi ang mga Komadrona.
Naibahagi naman ni Lina na noong naninilbihan pa sya bilang Senador taong 1987 hanggang 1995, lumapit na ang kanilang hanay sa kaniya para matulungan.
Hinihiling na ng mga ito na maamyendahan ang batas hinggil sa Philippine Midwifery Law na naisabatas noong 1960.
Dahil dito, panahon na umano na linawaging mabuti kung ano ang job description ng Midwife.
Samantala, sa kasalukuyan ani Lina, dapat nang itaas ang sahod ng mga ito at makatanggap rin ng tamang kompensasyon.
Kinakailangan rin umanong magkaroon ng karagdagang birthing centers at magkaroon ng kahit isang Midwife bawat barangay.