SA kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kailanman makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC, hindi maintindihan ng isang geopolitical analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy ang ginawang pag-aresto ng kapulisan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa utos ng International Criminal Court (ICC) ngayong araw.
“Alam naman ng buong Pilipinas at ng buong mundo na we’re not part of the ICC anymore.”
“This is really an assault to the sovereignty of the Philippines,” pahayag ni Prof. Anna Malindog-Uy, Geopolitical Analyst.
Ani Malindog-Uy, bakit hinahayaan ni Marcos Jr. na mangyari ito sa kabila ng paulit-ulit na niyang pahayag na hindi kailanman makikipagtulungan ang pamahalaan ng Pilipinas sa ICC dahil hindi na nga ito miyembro mula pa noong 2018.
“At isa pa, isyu ito ng soberanya ng bansa. Bilang presidente, ang presidente kasi ng kahit anong bansa lalo na dito sa atin sa Pilipinas. The first and the basic na trabaho niya (Marcos Jr.) is to uphold the sovereignty and independence of the country. With this, anong ginawa niya? Pinayagan niyang lapastanganin ng ICC kung sa ICC man ‘yung aresto na iyan,” aniya.
Pagdating naman sa red notice ng INTERPOL, ipinaliwanag ng geopolitical analyst na hindi ito isang agarang arrest warrant kundi isang request lamang ng nasabing international agency sa law enforcement agency ng isang bansa sa paghanap at paghuli sa isang indibidwal.
“Ano ‘yan? Para may notice ka pero ang magde-decide niyan ay ang ating local security at local courts natin. Ibig sabihin, nasa kamay pa rin iyan ng gobyerno natin kung hahayaan nilang ‘yung red notice na ma-implement o hindi,” aniya pa.
Dagdag din ni Malindog-Uy, kung sakaling magkaroon ng mga isyu ng seguridad at paglabag sa karapatang pantao sa bansa ay pinakahuling opsiyon na lang ang ICC dahil:
“We are not a failed state because our local courts are functioning. Our Supreme Court is there. So anong ginagawa ng ICC warrant of arrest na iyan sa Pilipinas? At sa lahat talaga, ang former president pa ang ginagawan nila ng ganito,” aniya.
Kaya naman panawagan ni Malindog-Uy sa taumbayan.
“So, ang tanong ko sa ating mga kababayan, this is not an issue of Duterte per se, this is an issue of the Philippines, and each and everyone of us na mga Pilipino. Hahayaan niyo ba na lapastanganin ng ICC at ng current administration ni Bongbong Marcos ang soberanya ng bansa? Wala na. If that is the case, and you will allow that to happen, then there’s no such thing as the Philippines if that’s the case. So, ‘yun ang dapat isipin ng Pilipino at this time,” giit nito.
Follow SMNI News on Rumble