PATULOY ang pagtalima ng Philippine National Police (PNP) sa karapatang pantao.
Ito ang binigyang-diin ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa paggunita ng Human Rights Consciousness Week sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw.
Ito ay may tema na “Pagtaguyod at Pagsulong ng mga Karapatang Pantao Tungo sa Matatag na Pundasyon ng Kapayapaan, Katarungan, Kalikasan, Kaunlaran, at Bayanihan.”
Ayon kay Azurin, kabilang sa mandato nila na ipagtanggol ang karapatang pantao habang ipinatutupad ang batas.
Makakaasa aniya ang publiko na walang puwang sa kanilang hanay ang torture at iba pang uri ng karahasan.
Samantala, kinilala ni Azurin ang ilang pulis na nagpakita ng sigasig sa kanilang trabaho.
