Pagtugon sa pagkawala ng kuryente sa Negros at Panay, pinapalakas—PBBM

Pagtugon sa pagkawala ng kuryente sa Negros at Panay, pinapalakas—PBBM

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na puspusan ang pagsisikap ng national government para sa pagtugon sa pagkawala ng kuryente sa Negros at Panay dulot ng problema sa distribution system.

Base sa ulat, ang mga isla ng Guimaras, Panay, at Negros ay nakararanas ng power outages noong nakaraang linggo.

Inihayag naman ni National Electrification Administration (NEA) administrator Antonio Almeda na ginagawan na ng paraan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang rotational brownouts sa Panay at Negros Islands.

Nauna nang inaksiyunan ng gobyerno ang krisis sa kuryente sa Occidental Mindoro na may operasyon ng hindi bababa sa 3 istasyon ng kuryente upang magbigay ng 24-oras na serbisyo ng kuryente sa lalawigan.

Kaugnay dito, sinabi naman ni Pangulong Marcos na sinusubukan din ng gobyerno na pangasiwaan ang parehong power at water consumption sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter