HANDA ang pamahalaan na tumulong sa mga negosyong hindi kayang makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado dahil naapektuhan ng pandemya.
Sa palace briefing nitong Huwebes, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga negosyo na nahihirapang makapagbigay ng naturang benepisyo sa kanilang empleydo ay makakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
“Alam natin na maraming mga small and medium scale industries na nahihirapan nga po dahil nag-lockdown na naman tayo ‘no eh magbibigay naman po ng assistance ang ating gobyerno,” saad ni Roque.
Noong 2020, maraming employer sa bansa ang nag-akalang exempted sila sa pagbibigay ng 13th month pay dahil sa pagkalugi sa gitna ng health crisis.
Iginiit ni Roque na required ang mga may-ari ng negosyo na ibigay sa mga emplayado ang naturang benepisyo kahit pa may pandemya dahil nakasaad ito sa batas.
Sa ilalim ng Presidential Decree no. 851, lahat ng mga employer mula sa pribadong sektor sa Pilipinas ay required na bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay na hindi lalampas hanggang December 24 kada taon.
Katumbas ng 13th month pay ang 1/12 ng pangunahing taunang sweldo ng isang empleyado.
Ang mga employer na papalya sa pagbigay nito sa katupasan ng taon ay haharap ng ligal na aksyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa palace official ang tulong pinansyal na ibibigay ng pamahalaan sa mga employer ay idadaan sa pamamatigan ng financial institution ng gobyerno na Small Business Corporation (SBCorp).
Una na ring nagpahayag ang si Trade Secretary Ramon Lopez na nakipag-ugnayan na ito sa DOLE para tulungan ang mga micro, small, at medium enterprise (MSME) na makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.