SUPORTADO ni Senator Raffy Tulfo ang panukalang pagbibigay ng fixed salary at benefits sa brgy. tanod at health workers.
Ayon kay Tulfo, ang mga brgy, health worker at tanod ay halos walang suweldo na natatanggap.
Umaasa lang sa allowance na inilalaan para sa kanila.
Posibleng hindi pa aniya aabot sa P500 ang natatanggap nila kahit pa isa sila sa may pinakamahirap na trabaho.
Sakali mang mabibigyan ng regular na sahod ang village officials ay mangangailangan ito ng P196-B bawat taon.
Maliban sa regular na sahod at fixed benefits, mainam din na mabigyan ito ng security of tenure dahil maaari pa silang palayasin kung mayroong bagong chairman o bagong mayor na uupo.
Sa ngayon ay isa pang hamon kung saan kukunin ang magiging pondo para dito.
