Pasig City may panibagong ordinansa laban sa ads ng gambling companies

Pasig City may panibagong ordinansa laban sa ads ng gambling companies

Nagpasa ang Pasig City ng panibagong ordinansa na nagbabawal sa lahat ng uri ng pampublikong gambling advertisement sa loob ng lungsod.

Batay ito sa isang social media post ni Mayor Vico Sotto.

Papayagan lang ang gambling ads sa loob ng mismong premises ng licensed casinos at betting outlets sa lungsod.

Umasa si Sotto na walang haharang o mamimilit sa LGU para pigilan ang pagpapatupad ng naturang ordinansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble