NAGHANDOG ng malinis na tubig si Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette sa Surigao City.

Bukod sa balde-baldeng food packs at galon ng tubig, namahagi din ng malinis na tubig ang butihing Pastor gamit ang water tanker para sa mga residente ng Surigao City.
Isa kasi sa malaking problema ng lungsod ang mapagkukunan ng malinis na tubig habang naghihintay na makarekober sa kanilang pamumuhay matapos ang pananalasa ng bagyong Odette sa Mindanao.

