Pastor Apollo, naka-119 points; Tunay na Most Valuable Pastor (MVP)

Pastor Apollo, naka-119 points; Tunay na Most Valuable Pastor (MVP)

MATAPOS ang isa na namang exciting na basketball game sa Davao City, ay muling pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pagkapanalo ng koponan nitong ACQ All Stars sa isang friendly match, kung saan inungusan nito ang sariling record na 92 sa bagong iskor na 119.

Nabalot ng hiyawan at cheer ang Jose Maria College Sky Gymnasium sa Davao City matapos na namang dominahin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang hard court.

Fired up mula sa dating personal score na 92 points, ay mas inungusan pa ni Pastor Apollo ang sariling record nito matapos makapagtala ng 119 points na may 22-3 points, 24-2 points, 5 free throws, at isang assist nitong Linggo, December 18, laban sa ACQ Selection na nakakuha lamang ng 96 points na overall score.

Habang nakapagtala naman ng overall score na 136 points ang ACQ All Star.

Kasabay ng hiyaw na MVP masiglang-masigla ang mga nanonood sa tuwing makakapuntos ang butihing Pastor.

Samantala, sa isang interview matapos ang laro, sinabi ni Pastor Apollo na i-cha-challenge ulit ng butihing Pastor ang sariling record nito, dahil mas motivated ito kapag hinahamon.

Samantala, sinabi naman ng referee na si Paul Gonzaga, ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mas ganado at lumakas pa ang paglaro ng butihing Pastor ngayon kung ikukumpara sa nagdaan nitong laro, na siyang nagpanalo sa kanilang koponan.

‘’Ang iyahang dula nagka kusog, nagka kusog siya. Sa iyang edad nga taas na, pero naa ang iyang strong sa iyang pag dula,’’ ayon kay Paul Gonzaga Referee, SBP.

‘’So karong gabiuna, na maintain gyod niya, iyahang mga moves sa the previous Sunday hantod karon, gi break pa gyod niya, ang record niya. So, wala gyod na ingon nga bias kaayo, kay gidula gyod na ug tarong,’’ saad ni Gonzaga.

‘’Sa iyahang dedication sa iyahang mga tao ug sa mga player, gipakita gyod niya nga strong jud siya, ang team leader naa gyod, kay kung unsa ang command sa team leader, mu-follow gyod ang iyahang mga players, ug ang audience grabe ang suporta, so ang energy nya is, taas jud ug morale, musaka so mao toy gwapo kaayo nya nga dula,’’ paliwanag ni Gonzaga.

Isang McDonald’s treat naman ang handog ni Pastor Apollo para sa lahat ng personal na nanood sa laro nito sa JMC Sky Gymnasium na siyang ikinatuwa ng lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter