Patuloy na paglakas ng suporta laban sa Marcos Jr. admin, ibinabala ng isang dating taga-PMA

Patuloy na paglakas ng suporta laban sa Marcos Jr. admin, ibinabala ng isang dating taga-PMA

BUWAN ng Enero nang magsimulang pumalag ang taumbayan sa pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa prayer rally na ginawa sa Davao City ng mga supporter ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinundan ito ng kaparehas na event nitong Pebrero sa Cebu City.

Nitong Lunes, mas malakas na prayer rally ang ginawa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Lahat, panawagan ay hustisya sa tila’y pag-iral ng silent martial law sa bansa.

Kaya nakikita ngayon ng political observer at retired Army Captain na si Clemente Enrique Jr. na mas titindi pa ang mga pagkilos laban sa kasalukuyang Pangulo.

“Ano na ‘yan, it will continue to build up na like so kasi ano eh mali ‘yung approach ng administration. Sige-sige na hindi ina-address ‘yung mga issue tapos nun halip ang ina-aano nila ‘yung mga hindi dapat pigain,” ayon kay Clemente ‘Dado’ Enrique Jr., Retired Army Captain, Political Vlogger.

“Ang magde-develop from now, hanggang June 30 na exactly 2 years, doon dapat kabahan ‘yung administration no, exactly 2 years siya na papasok ‘yung pwede siyang… pwedeng mainis ‘yung tao talaga at physically tanggalin siya sa Malacañang. I’m referring to BBM,” saad nito.

Ani Enrique, mali na maging vindictive o mapaghigante ang gobyernong Marcos na ginigipit ang mga kontra sa kanilang pamamalakad.

Sa SMNI umeere ang TV program ni Dating Pangulong Duterte kung saan nito tinawag na most corrupt government agency ang Kamara.

Sa programa niya rin pinuna ang mga maling hakbang ng kasalukuyang gobyerno lalo na pagdami ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Kaya para matanggalan ng plataporma at hindi na makapuna ang dating Pangulo, ang SMNI ang pinatahimik at pinasuspinde sa National Telecommunications Commission (NTC) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Hindi, hindi… maling-mali ‘yung ganoong approach, (maling-mali). BBM, you will be only inviting more problems, more participation, more involvement ng mga tao. Mag-isip kayo mga adviser, ang dapat na sinasagot diyan ay sorry, sorry po. Saan kami nagkamali? Thank you ha? At nagko-commend kayo, maraming salamat. Saan kami nagkamali? Saan naming pwedeng ayusin ito? Kasi UniTeam Eh? Kasi magpapasalamat ako na nandiyan kami para sa inyo eh that’s why we give you good governance. Yun ‘yung sagot, napakasimple!” ani Enrique.

Para kay Enrique, leadership at character ang dapat na ipairal ngayon ng Pangulo dahil sa dami ng mga galit na Pilipino.

Hindi naman nakaligtas sa Baron ng PMA Class ’83 ang tinawag niyang injustices sa Senado at Kamara.

Ang dalawang kapulungan ay sabay na pinahahanap si Pastor Apollo C. Quiboloy para lumitaw sa imbestigasyon ng kani-kaniyang komite.

Ngunit ani Enrique, nakikita ng taumbayan ang panggigipit sa butihing Pastor.

‘Yung Senado, you are risking closure! Pati ‘yung Congress, you are risking closure! By the Filipino people! Isasara kayo ng taumbayan!’ ani Enrique.

‘Sige pa imbestigasyon niyo! Sige pa! Banatan niyo ng injustice! Paano ka nakakita? Magkakaroon kayo ng witness against Pastor Quiboloy eh pekeng-peke naman! Kasuhan ninyo, ipadala ninyo sa korte! Doon kayo magharapan, ‘yung patas ang laban! Hindi ganyan sisirain ninyo ‘yung tao sa harapan ng taumbayan, and the for what? Sisikat kayo?’ saad nito.

Naniniwala naman si Enrique na bukas na ang mata ng mga Pilipino.

Na noo’y umasa para mabawi ni Marcos Jr. ang sirang pangalan ng kaniyang pamilya dahil sa Martial Law.

“Somehow, sometime, in the very near future, someone has to give. And it will not be the Filipino people! The Filipino people will stand up because alam ng taumbayan ang dapat nilang gawin! Naghihintay lang sila eh,” dagdag pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble