TATLO ang New Year’s wishes ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial para ngayong 2023.
Aniya, una rito ay pangarap niyang masungkit ng Pilipinas ang gold medal mula sa nakatakdang 2023 South East Asian Games sa Cambodia ngayong buwan ng Mayo.
Pangalawa ay magiging matagumpay ang isasagawang 2023 FIBA World Cup dito sa Pilipinas sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10 kung saan makakaabot din sana ng hanggang second round ang Gilas Pilipinas.
Pangatlo ay ang magkaroon ng mas exciting na PBA Games.
Sinabi na rin ni Marcial na magiging “busy” ngayong taon ang PBA dahil sasabak din ito sa ASIAN Games sa China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.
Sasabak din ito sa kauna-unahang East Asia Super League sa Oktubre.