PBBM at First Lady Liza, dumating na sa Jakarta, Indonesia para sa 43rd ASEAN Summit

PBBM at First Lady Liza, dumating na sa Jakarta, Indonesia para sa 43rd ASEAN Summit

DUMATING na sa Jakarta, Indonesia si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para dumalo sa 2023 ASEAN Summit.

Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos na sinalubong ng mga opisyal ng Pilipinas sa Indonesia na sina Philippine Ambassador to Indonesia Gina Jamoralin, Philippine Defense Attache in Indonesia Col. Emmanel Canilla, Permanent Representative of the Philippines to ASEAN Hjayceelyn Quintana at Police Attache in Indonesia Police Col. Donald Madamba.

Magsisimula ang 43rd ASEAN Summit ngayong Martes, Setyembre 5-7.

Inaasahan naman na isusulong ni Pangulong Marcos ang interes ng Pilipinas sa naturang summit at sa iba pang meetings na dadaluhan ng Pangulo sa sidelines ng ASEAN Summit.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble