Albay Gov. Noel Rosal, diskwalipikado na sa posisyon matapos ang COMELEC ruling

Albay Gov. Noel Rosal, diskwalipikado na sa posisyon matapos ang COMELEC ruling

PINABABAKANTE na ng Commission on Elections (COMELEC) ang posisyon ni Noel Rosal bilang gobernador ng Albay.

Ito ay matapos ang pagpapalabas ng COMELEC ng writ of execution para sa diskwalipikasyon ni Rosal.

Ang desisyon ay may kinalaman sa petisyon na inihain ni Joseph San Juan Armogila.

Sa petisyon, si Rosal ay ipinadidiskwalipika sa pwesto dahil sa reklamong paglabag sa 45-days spending ban sa ilalim ng Omnibus Election Code nang mamahagi ito ng financial assistance sa mga tricycle drivers na hindi humihingi ng prior authority mula sa poll body.

Kasunod ng desisyon ng COMELEC, ang magtatakeover kay Rosal sa pwesto ay ang kasalukuyang vice governor na si Atty. Edcel Grex Lagman.

Umaasa ang COMELEC na magiging mapayapa ang pagturnover ni Lagman sa nabakanteng posisyon.

Matatandaan na ang desisyon na idisqualify si Rosal ay unang nanggaling sa First Division ng COMELEC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter