MAAARI nang gamiting booster shots ang Pfizer COVID-19 vaccine kapag nabigyan ito ng full approval at maging commercially available sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) Chief Eric Domingo.
Ayon kay Domingo, maaring i-reseta ng mga doktor ang Pfizer vaccines bilang booster shots.
Sa ngayon ay may full approval na ang naturang bakuna sa Estados Unidos, ngunit wala pa sa Pilipinas.
FDA, sinabing walang dahilan para suspendihin ang paggamit ng Moderna sa Pilipinas
Inihayag ni Food and Drug administration (FDA) Director General Eric Domingo na hindi sususpendihin ng ahensya ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos makitaan ng foreign substance ang Moderna vaccines sa Japan.
Ani Domingo, ang Moderna vaccines na natanggap ng Pilipinas ay hiwalay na ginawa sa mga bakuna na iniimbestigahan sa Japan.
Dagdag pa ni Domingo, tinitingnan ng mga vaccinator sa bansa ang mga vials at syringes bago ito magsasagawa ng bakunahan.
Matatandaang, una nang inihayag ng health ministry ng Japan na may namataang black substance sa mga syringe at vial, habang ang pink substance naman ang nakita sa iba pang syringe.