PH gov’t, nakikipag-ugnayan na sa Myanmar para maiuwi ang 8 nakakulong na Pinoy

PH gov’t, nakikipag-ugnayan na sa Myanmar para maiuwi ang 8 nakakulong na Pinoy

NAKIKIPAG-ugnayan na ang gobyerno ng Pilipinas sa pamahalaan ng Myanmar para maiuwi na ang walong Pilipinong kasalukuyang nakakulong dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal representation sa bansa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza, patuloy ang kanilang koordinasyon para tulungan sila kung saan kabilang ang turistang si Kiela Samson na naaresto sa borders ng Thailand at Myanmar noong nakaraang buwan.

Aniya, matapos makumpleto ang mga proseso ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas partikular na sa Immigration ay maaari nang lumabas ang mga Pilipino sa Myanmar.

Nangako naman ang mga awtoridad ng Myanmar na makikipagtulungan sa Pilipinas hinggil dito.

Kabilang sa 8 ang mga umano’y biktima ng human trafficking na iniligtas ng mga awtoridad ng Myanmar mula sa kanilang mga trabaho sa Myawaddy.

Kaya naman, nanawagan si Daza sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa na sundin ang mga regulasyon ng gobyerno at maging nararapat na irehistro bilang mga overseas Filipino worker (OFW) sa halip na umalis ng bansa bilang mga turista.

 

Follow SMNI News on Twitter