MALAPIT nang matapos ang Phase 1 ng Light Rail Transit (LRT)-1 Cavite Extension Project.
Sa ulat ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at CEO Juan Alfonso, nasa 83% na ang kabuoang estado ng nabanggit na proyekto.
Ibinahagi nito na tapos na ang track works at overhead catenary system o ang linya ng kuryente na magsusuplay ng kuryente sa bawat bagon ng tren.
Nasa mahigit 50% naman ang konstruksiyon ng istasyon ng Phase 1.
Ang Phase 1 ng Cavite Extension Project na magdurugtong sa Quezon City at Cavite ay tinatayang matatapos sa 4th quarter ng taon.