PHIVOLCS, may paalala sa publiko hinggil sa masamang epekto ng volcanic smog

PHIVOLCS, may paalala sa publiko hinggil sa masamang epekto ng volcanic smog

NAKASASAMA sa kalusugan ang volcanic smog o vog.

Ito ang paalala ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Teresito Bacolcol ngayong may nai-detect na volcanic smog sa Bulkang Taal.

Sa pinakalatest na datos ng PHIVOLCS, nasa 4,569 tons ang daily total ng volcanic sulfur dioxide gas emissions ng Taal main crater habang mayroong malalaking ulap na binubuo ng sulfur dioxide sa kanlurang bahagi ng Taal Lake.

Dahil dito ay sinabi ng PHIVOLCS na kung maaari ay huwag nang lumabas ng bahay at kung hindi maiwasan ay magsuot ng face mask.

Mainam din na madalas uminom ng tubig.

Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na maaaring maging sanhi rin ng acid rain ang volcanic gas emissions kung maihahalo ito sa tubig-ulan.

Magreresulta ito sa pagkasira ng mga pananim maging sa mga kabahayan na yari sa galvanized iron.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter