GAYA ng kanyang panawagan na isalin ang weather advisories ng gobyerno sa wikang maiintindihan ng karaniwang Pilipino, iminungkahi rin ni Senador Francis Tolentino na gawin ang naturang hakbang sa mga termino na may kinalaman sa paglindol.
Hinikayat ni Tol ang PHIVOLCS na gamitin ang lokal na wika para sa mga teknikal na termino, gaya ng ‘magnitude’ at ‘intensity’ na mahirap unawain ng ordinaryong Pilipino.
Binanggit nya ang “Pag-Uga, Pagyanig, Paggalaw,” at “Paglindol” bilang mga halimbawa.
Ipinunto ni Tol ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon dahil madalas hagupitin ang bansa ng mga sakuna.
Binanggit din n’ya ang mga serye ng pagyanig kamakailan, na iniuugnay sa Manila trench.
Ayon naman sa PHIVOLCS, umabot na ng mahigit 200 na paggalaw ang kanilang na-monitor sa naturang trench mula noong Disyembre 17.
Ang nasabing trench ay maykakayahan na magluwal ng magnitude 8.4 na lindol.