MALAKI ang posibilidad na madamay ang Pilipinas kung si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tatanungin.
Malaki aniya ang tsansa na sumiklab ang World War 3 dahil sa patuloy na lumalalang tensiyon sa pagitan ng China, Taiwan, at Estados Unidos.
Lubos na maaapektuhan ang Pilipinas dahil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na nakakalat sa bansa.
Matatandaang, una nang sinabi ng dating Pangulo na maaring magdulot ng isang all-out-war, lalo na kung tuluyang maubusan ng pasensiya ang China dahil sa agresibong aksiyon ng Estados Unidos.
Sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” nitong Lunes kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ng dating Pangulo kung gaano na kalapit ang pagsiklab ng giyera kung saan madadamay talaga ang bansa.
“May I lead this predicate? I am not trying to be fatalistic or warmongering, into a warmongering if I would place this scale of an imminent war in a scale of one (1) to ten (10), I would place this situation right now in seven (7).
Whether or not the Philippines would be struck, I could place it at eight or nine (9) because of the bases of the Americans there,” ayon kay FPRRD.
Kasalukuyang isinasagawa ng China ang tinatawag nitong ‘reunification’ o muling pagbubuo ng mga teritoryong nasasakupan o kontrolado ng People’s Republic of China, o tinatawag na Mainland China, at Taiwan, bilang sa iisang political entity lamang.
Naaayon ito sa One-China Principle ng Beijing kung saan kinikilala na parte ng China ang Taiwan, at ang pamahalaan ng People’s Republic of China ay may tiyak na hurisdiksiyon dito.
Sa katunayan, kabilang ang Pilipinas, maging ang Estados Unidos, sa 181 na bansa na kumikilala sa One-China Principle, ngunit ayon sa China, nanghihimasok ang Estados Unidos sa pamamagitan nang pagdedeklara na dedepensahan nito ang Taiwan at patuloy na pakikipag-ugnayan ang Taipei at Washington sa isyung militar, tulad na lamang ng pangakong magbibigay ito ng mga military weapons sa Taipei na siya namang mariin na tinututulan ng Beijing.
“Taiwan country itself, ayaw na bumalik doon sa Mainland, but you know history will tell us and even the groupings of the landmark that Taiwan sits closely in a matter of minutes with the Chinese Mainland and China has always been a part of Taiwan.”
“Kaya nga nag revolt between the Mao Zedong and itong si Chiang Kai-Shek, natalo itong nationalist which was backed up by America. So, they retreated to the island of Taiwan and because of the timely arrival of the American assistance, ang China was stalled from proceeding farther. So, iyan ang totoo diyan.”
“Ito ngayon kapag ipinilit ng…sabi nga nila according to the declaration of President Xi Jinping that whether Taiwan likes it or not, it surely has to go back to the folds of the motherland,” dagdag ni FPRRD.
Taiwan, magiging battleground ng giyera sa pagitan ng China at U.S.; Pilipinas, tiyak na madadamay—FPRRD
Ayon kay dating Pangulong Duterte, ang mga EDCA site na ito ang magiging dahilan kaya siguradong madadamay ang Pilipinas dahil tiyak itong gagamitin ng mga Amerikano sa kanilang pagsuporta sa Taiwan.
“Pero kung sinabi ng mga Taiwanese na maglaban sila, it is the America who is giving them the backing that, ‘sige back-upan ka namin, basta pag-awayin ka’.”
“So, ngayon, if war breaks down or violent breaks down by intentional or unconsciously made it, will precipitate a war. And Taiwan would be the battleground between China and America.”
“America ginamit ‘yung utak nila na shallow, nag-retreat sila, anong nakita nila? Luzon. Kaya naghingi sila ng military bases doon tapos the another one ask for the another one, another one, another one until it reach Mindanao. Kaya iyan ngayon ang problema,” ani Duterte.
Pilipinas, mahihirapan nang tanggalin ang mga EDCA sites sa bansa—FPRRD
Samantala, aminado ang dating Pangulo na mahihirapan ang Pilipinas na humiwalay sa Estados Unidos pagdating sa usaping militar, at mas lalo pang mahihirapan ang bansa dahil sa mga karagdagang EDCA sites sa bansa.
“Mahirap nang mag-extract doon sa ating almost iron-clad elation in terms of military.”
“Kasi pati iyong military natin would also be thinking of what would become of us and if there is any conflict. The fact is that we cannot get out of it anymore, as a matter of fact we added more places where they can exist and congregate.”
“And these are the bases that were distributed in Luzon and in the Visayas and maybe in Mindanao. Ang pagkaalam ko, which I am sure nandiyan talaga Lorraine [ang] Cagayan de Oro dito sa Mindanao,” aniya.
Nang tanungin naman kung posible pa nga bang mabawi ang desisyon sa pagpatatayo ng EDCA sites kung mananawagan at maninindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ipatigil ito, para kay FPRRD:
“I think sa akin lang is mas mataas pa sa kanila sa aking paningin ang pagtingin nila sa bayan nila, and if the military guys would realize sooner, I hope it would not be later na it would be the detriment it would place in jeopardy the existence of the Republic of the Philippines, they would put up a stand and say ‘enough is enough, remove the bases even if it nearby Taiwan will all suffer the effects of whatever bombs that you may drop there but stay out of our country, because we never really messed up with you,” pagtatapos ni FPRRD.