Pinoy mental health workers, hiniling ni Zelenskyy para sa Ukraine

Pinoy mental health workers, hiniling ni Zelenskyy para sa Ukraine

HINILING ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na magpadala ang Pilipinas ng mga Pilipinong mental health workers sa kanilang bansa.

Ito’y para matiyak ang kapakanan ng mga sundalo sa gitna ng nangyayaring Russia-Ukraine war.

Para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., posible aniyang matutugunan niya ito lalo na’t ang Pilipinas ay kilala sa larangan ng healthcare service.

Kasama rin ito ani Pangulong Marcos sa pangako ng Pilipinas sa United Nations kaugnay sa peacekeeping process.

Nagpulong na ngayong araw, Hunyo 3 sa Malacañang si Pangulong Marcos at Zelenskyy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter