Lalo pang bumaba ang Philippine peso sa 60-per-dollar level at nagtala ng bagong record low dahil sa patuloy na paglakas ng US dollar sa gitna ng pagiging mainit ng sitwasyon sa Middle East.
Nagsara ang lokal na salapi sa 60.3, mas mababa ng 20 centavos kumpara sa naunang record low na 60.1.
Nagdulot ng negatibong sentimyento sa market ang mga banta ni Donald Trump ng posibleng strikes sa infrastructure ng Iran, habang nagbabanta rin ng pagganti ang Tehran na lalo pang nagpalala sa pangamba ng pandaigdigang merkado.
