PNP pinag-aaralan ang posibleng paggamit ng mga electric patrol car sa gitna ng pangamba sa gastos sa langis

PNP pinag-aaralan ang posibleng paggamit ng mga electric patrol car sa gitna ng pangamba sa gastos sa langis

Iniutos na ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ang isang komprehensibong pag-aaral kung praktikal bang gamitin ang mga electric vehicle (EV) sa operasyon ng pulisya.

Ayon kay Nartatez, ang gulo sa Middle East ay isang “wake-up call” para re-bisahin ang procurement policy ng PNP, lalo’t malaki ang bawas sa kanilang budget sa tuwing tumataas ang presyo ng krudo.

“For an agency that is dependent on fuel in its daily operation, we view the Middle East tensions as a wake-up call for us to revisit the policy on patrol vehicle procurement. But we need to conduct our own study and assessment first on whether or not electric vehicles are practical, reliable and suitable to the daily routine of our personnel on the ground,” wika ni PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., Chief, PNP.

Dagdag pa ni Nartatez, bawat pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay katumbas ng dagdag na gastusin sa operasyon ng bawat unit ng pulisya.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na ang matagalang sigalot sa Middle East ay makaaapekto sa pandaigdigang kalakalan ng langis at maaaring magresulta sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Habang pinag-aaralan ang paggamit ng mga electric vehicle, iginiit ng PNP Chief na hindi dapat makompromiso ang pang-araw-araw na pangangailangan sa operasyon ng pulisya, kabilang ang mabilis at maaasahang pagtugon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble