MAAARI pa ring magamit ang pondo mula sa state-run health insurance at pension systems sa Maharlika Investment Fund (MIF) yon kay Sen. Ronald dela Rosa.
Ito ay sa kabila ng pagtutol ng 19 senador na hindi magamit ang mga pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS), PhilHealth at maging ang Philippine Veterans Affairs Office dito.
Napag-alaman ni Dela Rosa na magagamit ang mga pondo ng mga ito sa pamamagitan ng pag-invest nila sa isang investment company na siya namang mag-iinvest sa Maharlika Fund.
Sa paraang ito ay nagiging legal ani Sen. Dela Rosa ang pag-invest ng state-run health insurance at pension systems.