Sen. Bato, haharangin ang pagsali ng GSIS at SSS sa Maharlika Bill ng Senado

Sen. Bato, haharangin ang pagsali ng GSIS at SSS sa Maharlika Bill ng Senado

NAIS ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na alisin sa Senate version ng Maharlika Fund Bill ang “voluntary option” ng government fund institutions para mag-invest dito.

Magugunitang batay sa Senate version, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Government Service Insurance System at Social Security System ay hindi na required na mag-invest.

Subalit, papayagan ito kung sang-ayon ang kanilang board.

Ang ikinatatakot dito ng ilang mambabatas ay posibleng maimpluwensiyahan ang GSIS at SSS dahil mga appointee ng Malacañang ang nakaupo bilang board of directors sa mga ito.

Naniniwala naman si Sen. Dela Rosa na marami sa mga senador ang nais ding matanggal ang probisyon na ito.

Sa naipasang bersiyon ng panukala sa Kamara, tinanggal na dito ang GSIS at SSS bilang pagkukunan ng pondo para sa Maharlika Fund.

Itoy dahil sa takot na magagamit sa hinding tamang paraan ang pondo para sa pensiyon ng publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter