TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na tututukan at hindi nila tatantanan ang operasyon kaugnay sa paglaban at pagsugpo sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Ipinaliwanag ni DOJ Undersecretary Nicolas Felix Ty na ang lisensiya ng ilan sa mga POGO ay naaabuso kasi kaya nagagamit sa ilegal na operasyon.
Sa pinakahuling pagdinig ng Kongreso ay iprinisinta pa ng mga mambabatas ang isang dayuhan na kinidnap at dinala sa POGO hub sa Porac Pampanga noong Hunyo 2 pero agad na nailigtas ng mga tauhan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) noong Hunyo 5.
Sa isinagawang raid o search ng mga tauhan ng PAOCC sa nasabing POGO hub sa Porac Pampanga ay nadatnan doon ang 150 na mga dayuhan.
Dahil diyan ay hindi pa aniya tuluyang ligtas o abswelto sa imbestigasyon o pagdinig ng Kamara si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil.