Magkakaroon ng dalawang araw na wellness break ang public school teachers sa elementary at high school levels sa Setyembre 14 at 15 (Lunes at Martes).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nito na mabigyan ang mga guro ng panahon para makapagpahinga, makabawi at maalagaan ang kanilang personal well-being bago magsimula ang bagong term.
Ipinatupad ito batay sa DepEd order no. 009, series of 2026, na nagtakda ng three-term school calendar sa basic education.
Sa dalawang araw, hindi maaaring obligahin ang mga guro na dumalo sa meetings, trainings, school activities, reporting, submissions at iba pang official work.
Hinimok ng DepEd ang regional offices, schools division offices at mga paaralan na protektahan ang dalawang araw bilang genuine break para sa mga guro.
