5 patay, 42 nakaligtas sa nasunog na barko sa Coron

5 patay, 42 nakaligtas sa nasunog na barko sa Coron

Limang katao ang naiulat na patay habang 42 ang nailigtas matapos masunog ang passenger ship na MV Jun Aster sa karagatan ng Coron, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), galing Maynila ang barko at patungong Coron nang sumiklab ang apoy bandang alas-6:45 ng gabi.

Batay sa manifesto, nasa 117 pasahero at 17 crew ang sakay ng barko nang mangyari ang insidente.

Nakipag-ugnayan ang PCG sa Bureau of Fire Protection, MDRRMO at lokal na pamahalaan ng Coron para sa rescue at iba pang assistance.

Nag-deploy din ang PCG ng karagdagang tauhan at brp suluan para tumulong sa operasyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at mino-monitor ng PCG ang kalagayan ng mga pasahero at crew.

Follow SMNI NEWS in Twitter