Tinuligsa ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang umano’y umiiral na double standard sa paghusga ng publiko at ilang sektor pagdating sa usaping hustisya at pananagutan.
“Nakakatawa—pero nakaka-insulto—kung paano nagiging selective ang moral outrage ng iilan dito sa bansa,” pahayag ni Rep. Paolo Duterte, 1st District, Davao City.
“Kapag may conviction na affirmed na ng korte, biglang may pa-sympathy, may pa-“context,” may pa-nonchalance. Parang okay lang. Parang minor detail lang na may hatol na. Pero pagdating kay Vice President Sara Duterte—na wala namang kaso, wala namang ebidensya, wala namang desisyon ng korte—grabe ang atake. Trial by publicity agad. Guilty agad. Walang preno. So ganito na ba ngayon?” giit nito.
Binigyang-diin ng kongresista na nagiging “trial by publicity” umano ang pag-atake sa Bise Presidente, taliwas sa prinsipyong presumption of innocence na dapat igalang sa ilalim ng rule of law.
Iginiit pa niya na hindi dapat palitan ng sympathy ang accountability, at hindi rin dapat palitan ng akusasyon ang ebidensya. Para kay Duterte, malinaw umano ito sa nakararaming Pilipino at sumasalamin sa umiiral na pagkukunwari ng ilang kritiko.
“Mas madaling patawarin ang may hatol kaysa sa inaakusahan pa lang—basta Duterte ang apelyido. Let’s call it what it is – double standard,” aniya pa.
