SUMUKO ang siyam na miyembro ng komunistang teroristang grupo na nag-o-operate sa lalawigan ng Bukidnon sa tropa ng 4th Infantry Division sa ilalim ng 403rd Infantry Brigade (403Bde).
Kabilang sa isinuko ng mga rebelde ang anim na matataas na kalibre ng armas at isang low powered firearm.
Ayon kay 4ID Commander Major General Jose Maria R. Cuerpo II na ang pagsuko ng mga rebelde ay tanda ng paghina ng komunistang teroristang grupo hindi lang sa Bukidnon kundi maging sa buong rehiyon ng Caraga.
Sa huli sinabi ni MGen. Cuerpo na dahil sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Task Force ELCAC at suporta mula sa komunidad, naniniwala ang opisyal na matatapos na ang matagal na problema sa insurhensiya.
